Thursday 1 October 2015

Adbokasiya: Tradisyon, Panatilihin

KALIGIRAN

  Ang mga sinaunang tradisyon at kultura ng mga Pilipino ang siyang naging daan upang magkaisa ang bawat mamamayan. Ang mga ito ang nagging pagkakakilanlan sa ating mga taga-Batangas. Subalit, marami sa mga tradisyon at kultura nating mga Batangueno ang tuluyang nabaon sa limot ng panahon. Habang umuusbong ang teknolohiya, ay siya namang paglubog ng mga tradisyon at kultura natin. Ang patuloy na pag-unlad ng sibilisasyon ay isa sa mga pangunahing dahilan ng paglimot sa mga nakagawiang tradisyon at kultura.

   Ang bawat rehiyon ay may kaniya – kaniyang tradisyon at kultura. Ang isa sa halimbawa ng tradisyong Batangueno ay ang pagsasalita ng “eh” at “ga”. Tayong mga batangueno ay kilala sa pagsasalita ng may malakas na punto. Pagsasalita na laging may kasamang “eh” at “ga” bilang pagkilala sa ating mga Batangueno.


 “Matandang Dugo”, ito ang napakagandang tradisyon ng mga taga-Batangas, dahil dito napapatunayan ang pagiging marespeto ng bawat Batangueno sa mga nakatatanda sa kanila, ngunit ang mas nagging magandang halaga nito ay hindi lamang ang mga nakatatanda ang nirerespeto nila dahil kahit mga nakababata o kasing edad lamang nila ay nirerespeto din nila.


  Ang pinaka- nakapanghihinayang na tradisyon ng mga Batangueno na unti unti ng nawawala ay ang pagiging malapit ng bawat isa. Noon,sa tuwing may pagtitipon na magaganap sa isang pamilya o isang baranggay, ang bawat matatanda ay hindi mauubusan ng kwento na handang ibahagi sa kanilang kababayan at ang bawat bata ay nagkakaroon ng pagkakataong magsaya kasama ang kapwa nila. Ngunit ngayon ay nagbago na ito, dahil sa umusbong na teknolohiya, mas pinipili na lamang ng mga mamamayan na manatili sa kanilang bahay upang gumamit ng kanilang mga gadgets kaysa makisalamuha sa mga mamamayan, kaya ito ay isa sa tradisyon na pinaka nakakahinayang sapagkat nawawalan na ng oras ang mga mamamayan na dumalo sa mga ganitong salo-salo. At ito ang tradisyon na nais naming pagtuunan pansin. Ito ang tradisyon na hindi natin dapat limutin dahil ito ang nagiging daan upang tayong mga taga Batangas ay magkaroon ng matibay na samahan.


  Sa araw-araw, hindi na mawawala sa atin ang paggamit ng iba’t ibang teknolohiya lalo na ang internet. Marami sa atin, sa panahong ito, ay dito na kumukuha ng trabaho upang matutustusan ang pang-araw-araw na gastusin. Maraming pagbabagong nabigay ang pagpasok ng “rebolusyong teknolohiya” na ito sa kasalukuyang panahon na ating kinabubuhayan. Ang pagtuklas sa mga iba’t-bang teknolohiya at internet ang nagbigay-daan sa karamihan ng tao na mamuhay sa makabagong pananaw sa buhay.


  Totoong maraming benepisyo at kaunlarang hatid ang mga makabagong teknolohiyang ito. Madami ang umunlad na ang buhay dahil sa matalinong at responsableng paggamit nito. Ang pagkatuklas sa mga ito ay sinasabi na ring pag-unlad ng sibilisasyon ng bansa. Gayunpaman, ang pagsulong sa sibilisasyong ito ay siya ring unti-unting nagbabaon sa mga tradisyong ilang taon nang nakatanim sa bawat Batangueno.


 Napakarami nang problema at suliraning kinakaharap ang Pilipinas na hanggang sa ngayon ay hindi pa din mabigyang daan upang malutas ang bawat isa, ngunit kailanman ay hindi nabubuwag ang tradisyon at diwang Batangueno  na ibinigay sa atin ng ating mga ninuno. Hanggang sa ngayon ay hindi pa din naman ito tuluyang nawawala, ngunit unti-unti na itong nasasapawan at natatabunan ng mga makabagong paniniwala at tradisyong hatid ng pagbabago sa antas ng sibilisasyon ng Pilipinas at pagkatuklas ng iba’t ibang teknolohiya.

MUNGKAHING TITULO

 “Tradisyong Batangueno sa makabagong henerasyon”. Ang pamagat na ito ang magiging daan upang mahingkayat namin ang ibang Batangueno na makiisa sa aming adbokasiya. Sa panahon ngayon, hinid na nabibigyan pansin ng mga mamamayan ang mga gawing tradisyon dahil naktuon ang kanilang atensiyon sa mga gadgets na nagiging libangan ng mga kabataan at mamamayan, kung kaya’t hindi na napapnsin ang mga kultura at ating tradisyon. Kailangan parin natin pahalagahan an mga tradisyong Batangueno dahil dito nagmula ang mga konsepto ng ating mga modernong teknolohiya sa kasalukuyan, na kung saan nakakatulong sa atin para mapabilis ang ating mga gawain.

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN

 Sa paglipas ng panahon, nalilimot na ng karamihan ang mga tradisyon at kultura natin noon. Nakakalimutan na din nila ang rumespeto sa mga mas nakatatanda at sa kanilang kapwa. Ang pagbabago at kaunlarang hatid ng teknolohiya at industriya ang siyang naging pangunahing sanhi sa pagbago ng tingin sa kinalakihang tradisyon. Mas nagkakaroon ng pansin sa mga kabataan ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya kaya nalimot bigyan pansin ang mga tradisyon natin.


  Kung bakit ito ang aming naisip na adbokasiya, ay dahil sa gusto naming gisingin ang diwa ng bawat Batangueno na hindi maaaring limutin ang mga ganitong tradisyon sapagkat ito ang humubog sa kung ano tayo ngayon. Nais naming mabigyan linaw na hindi lamang dapat sa mga gadgets o internet umikot ang araw ng mga kabataan dahil mas maganda kung magkakaroon ng interaksyon ang mga ito sa mas nakatatanda sa kanila upang sila ay magkaroon ng gabay. Maaaring  ang paggamit nila ng mga gadgets at internet ay nagbibigay kasiyahan sa kanila, ay iba padin ang naibibigay na kasiyahan at kaalaman ng kapwa.


 Ang mga kaugaliang pagmamano, mga pamahiin at paniniwala sa kasal, libing at iba pang okasyon, mga larong panlahi, at ang paggamit ng po at opo ay mga tradisyong kinalakihan na ng ating mga magulang, at lolo at lola. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga kaugaliang ito at tuluyan nang mga nalimot dahil sa epekto ng pagbibigay-daan sa pagkilala at pagtangkilik sa mga teknolohiyang makabago tulad ng cellphones, computers, tablet pc’s, internet connection, at marami pang iba. Sa paggamit ng mga ito, maraming mamamayan, karamihan ay mga kabataan, ang nawawalan na ng panahong makipag-interak sa mga kasama sa lipunan. Sa pag-usbong ng mga laro at bagong apps na galing sa mga developer at iba’t-ibang kompanya, naging dependent na ang karamihan ng mga tao sa mga ito at namumuhay na lamang nang nakatingin at nakatitig sa screen ng kanilang gadgets.


  Ang paglutas sa suliraning ito ay isang daan sa pagmulat ng bawat diwang Pilipino at Batangueno tungo sa muling pagpapatibay ng nasyonalismo at pagkakaisa. Sa pamamagitan nito, maaaring magkaron muli ng pagkakaisa at pagkakasundo ang bawat Batangueno sa isang mas malalim na layunin.


  Naiimpluwensyahan din ng mga ito ang pag-uugali ng bawat isa. Ang pagbabahagi ng mga tao ng kanilang buhay ay nagagawa nang isapubliko at hindi mawawala dito ang mga manguhuhsga. Marami ang nanghuhusga nang walang batayan na siyang nagsisiklab ng alitan sa mga gumagamit nito. Maraming kaugalian ang siya nang nabago tulad ng kinalakihang pagmamano at paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga mas nakakatanda sa atin. Kadalasan, pag-uwi ng mga kabataan galing paaralan ay dumideretso na lamang sa kwarto at magkokompyuter o makikipag-usap sa mga kaibigan sa telepono. Nawawala na ang kahalagahan ng pag-uwi sa pamilya at pagbuo ng isang pusong pamilya. 


 Paano magiging isang pagbabago ang adbokasiyang ito? Ang pangunahing layunin ng adbokasiyang ito, ay maging isang daan upang mabuksan ang isip ng mamamayang Batangueno at muling maibalik ang diwang sariling atin. Madaming tradisyon ang nalimot na ng mga Batangueno, ngunit ang nais naming bigyan pansin ay ang tradisyon kung saan ang mga kabataan ay nagpapakita ng respeto sa mga mas nakatatanda sa kanila at ang tradisyon na nagpapakita kung gaano kalalapit ang bawat Batangueno pamilya man o baranggay ang kasama. Ang mga tradisyong ito ay mahalaga,dahil ito ang sumisimbolo sa kaugalian na naipasa sa atin ng mas nakatatanda. Ang adbokasiyang ito ay makatutulong na magkaroon muli ng pagkakaisa ang mga taga Batangas kung matututo silang iisantabi ang mga gadgets na siyang naging dahilan ng paglubog at paglimot ng mga mamamayan sa sarili nating tradisyon. Inaasahang ang pananaliksik na ito ay maging gabay sa pagmulat sa mga Batangueno na muling ibangon ang mga tradisyon na itinayo ng ating mga ninuno sa mahabang panahon at tangkilikin ang sariling atin.

 Sinikap na mabigyang kasagutan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na tanong:
Anong mga tradisyong Batangueno ang tuluyan nang nakalimutan?
Bakit mahalaga ang mga tradisyong ito sa sambayanang Batangueno?
Paano ito makakatulong sa pagbuo ng mas matatag na pagsasamahan at pagkakaisa ng mga Batangueno?

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA

  Ang mga kultura at tradisyon ay ilan sa mga nakasanayan natin na dapat ay ating tinatangkilik at minamahal. Ang mga ito ang siyang naging dahilan kaya tayong mga Pilipino ay nirerespeto ng ating kapwa Pilipino at ng mga turista ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol dito ay isang napakalaking pribilehiyo para sa mga Pilipino, dahil dito ang bawat karaniwang mamamayan ay maaaring maipagmalaki ng sariling bayan dahil nagtataglay siya ng ganitong ugali. Ang kaalaman dito ang nagiging gabay upang matutong rumespeto at marespeto ang bawat Pilipino.


   Ang adbokasiyang ito ay nais naming simulan sa aming mga sarili, nais namin na kaming mga estudyante ng De Lasalle Lipa ay matutong magtaglay ng ganitong kaalaman. Sa oras na kaming mga Lasalyano ay magtaglay nito tsaka namin ibabahagi sa iba pang mamamayan ang mga katangiang ito. 


  Sa pagaaral namin sa adbokasiyang ito, naintindihan namin na “Knowledge is more important than wealth and luxury” dahil ang kayamanan at mga luho ay hindi magtatagal sa ating tabi pero ang bawat tradisyon at kultura na naipasa sa atin ay hindi kalian man mawawala. Ito ang kaalaman na dapat natin dalhin hanggang sa huli, dahil ito lamang ang masasabi nating sariling atin.


BENEPISYON AT INAASAHANG RESULTA

  Ang papel na ito ay panimulang hakbang sa pagbibigay impormasyon at kaalaman sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. Nais nitong gisingin ang diwa ng mga kabataan na siyang magiging daan para sa magandang kinabukasan ng ating bansa. Nais naming isa puso padin ng bawat kabataan maging mga nakatatanda ang mga sinaunang tradisyon na nagging gabay natin noon patungo sa isang magandang sibilisasyon ngayon.